Tuesday, June 7, 2011

BASI REVOLT


    http://dotregion1.com/home/v1/images/imageBank/imageBank_basi%20making.jpg   
  
The Basi Revolt, also known as the Ambaristo Revolt, was a revolt who started in September 16,1807. It was led by Pedro Mateo and Salarogo Ambaristo and developed in Piddig, Badoc and other towns of Ilocos Norte. This revolt is unique as it revolves around the Ilocanos' love for basi ( sugarcane wine) but last but not least for Ilocanos love for freedom 

       In 1786, the Spanish colonial government manufacture and sale of basi, effectively banning private manufacture of the wine, which was done before expropriation. Ilocanos were forced to buy from government stores. However, wine-loving Ilocanos in Piddig rose in revolt on September 16, 1807.Spanish troops eventually quelled the revolt on September 28,1807, albeit with much force and loss of life on the losing side.


                                           The flag used by the Basi Rebels
                                        http://www.watawat.net/images/p034_1_00.jpg    


Himagsikan  Dahil  Sa  ‘Basi’
                       https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjjsp8tBRt73dacRndVBETB3AhMUvxIXZ5haIeAu4WO2uaS2TTe0lUHhFHB4glGL07O66oIG62fD_kpox7bLJRPHCld_S5cRfSJ5AW4xgaLBZ0QVNF2x2tyYpKs9ayOb-afeqDPYuoiTLo/s400/Basi_Revolt.jpg
  SA dami ng mga himagsikan na ginanap sa Ilocos, pinaka-tangi ng mga tagaruon ang aklasan dahil sa basi, kapantay o higit pa, sa isip ng iba, sa himagsikan ni Diego Silang nuong 1762-1764. Patibay nito: Hanggang ngayon, pinag-aagawan kung kangino talaga ang himagsikan ng basi nuong 1807. Sa mga Español, ang ‘El Alzamiento de Ambaristo’ (‘ang aklasan ni Ambaristo’) ay kagagawan ni Salarogo Ambaristo, isang pinuno ng mga magsasaka (campesinos, peasants). Sa mga taga-Ilocos naman, ang naghimagsik ay si Pedro Mateo, isang dating pinuno ng baranggay (cabeza de barangay) ng Piddig. ‘Kanang-kamay’ (teniente, lieutenant) lamang daw niya si Ambaristo.

http://2.bp.blogspot.com/-L2xQIjD5cpM/UHgMeaY6eNI/AAAAAAAABEA/UU9fYPk55YQ/s400/415749_479362068761022_1926158720_o.jpg

                                    http://www.pia.gov.ph/press/image/110309-r1-dadapilan.jpg 

     Matagal nang nag-aklas si Ambaristo, pinatay kasi ang asawa niya ng isang oficial na Español. Maliban sa paminsan-minsang salakay sa bahay ng mga Español, walang nagawa ang kanyang maliit na pangkat ng mga magsasaka kundi magtago-tago sa mga bundok ng Piddig (‘mabundok’ ang kahulugan ng ‘piddig’ sa wika ruon) nuong cabeza pa si Mateo.

     Kahit mula sa angkan ng maharlika (principalia, native elite) duon, hindi natanggap niMateo ang malupit na turing sa tao. Mainit ang ulo, ilang ulit siyang napa-away dahil ayaw tumulong, kinalaban pa, ang pagsamantala ng mga frayle at Español na sinimulang tawagin siyang ‘taksil’ (traidor).

     Bilang cabeza, alam ni Pedro Mateo ang lahat ng lihim saPiddig, pati na kung saan ginagawa at itinatago ng mga tagaruon ang kanilang basi upang hindi mailit (confisca) ng mga Español at principales na nagsisilbi sa kanila. Madalas tumalilis si Mateo sa lalim ng gabi upang makipag-inuman ngbasi sa kanyang mga kanayon.

     Bagaman at hindi siya nabisto kahit minsan ng mga frayle at ng mga alagad nitong principales, lalong nag-init ang mga mata nila kay Mateo na itinuring nilang ‘traidor.’ Kaya nang nasaksak at napatay ang isang taga-Piddig na kaibigan niMateo, siya ang inusig ng mga Español. Pinaratang nilang naglasing silang dalawa ni Mateo at nangnag-away, sinaksak ni Mateo ang kaibigan. Nahatulan na mabilanggo nang 5 taon, nakalabas lamang si Mateo nang tubusin ( fianza, bail) ng kanyang abogado sa halagang 200 pesetas.
Hindi pa rin siya pina-alpas ng mga frayle. Hinabla siya sa pinaka-mataas na hukuman (corte suprema, supreme court) sa salang pagkalaban sa pamahalaan ng España. Humiling si Mateo ng patawad mula sa Manila subalit tinanggihan siya at ipinadakip. Inutos din ng hukuman na ilitin (seize) ang kanyang bukid at mga ari-arian. Pati ang kanyang familia ay inutos na tiktikan (surveillance).

     Naglabas ang mga frayle ng kasulatan (documentos) at iba pang ‘evidencias’ na mag-aaklas si Mateo at ang kanyang mga kainuman. Mayruon pang ‘mapa’ ng mga pinagtaguan ng mga burnay ng basi. Wala nang pag-asa, tumakas si Mateo at nagtago sa mga bundok sa paligid ng Piddig. Duon at nuon niya natagpuan at naka-panalig si Ambaristo. Maliit lamang ang pangkat nila kaya nagkasundo ang dalawa na gamitin angpagsarili sa basi upang yakagin ang mga taga-paligid na sumama sa kanilang mag-aklas laban sa Español.

     Ang San Ildefonso ay 2 nayon na lamang mula sa Vigan. Tinahak ito ng ilog Bantaoay at sa dalampasigan nito tinalo ng mga Español ang mga manghihimagsik nina Mateo at Ambaristo.
Umurong sila sa Badoc subalit sumunod at pinaligiran sila ng hukbong Español hanggang nuong Septiembre 28, 1807, napasuko nila sina Mateo at Ambaristo. Kasama ang dalawa sa mga nabihag, kinaladkad at binitay sa liwasan (plaza) ng Vigan. Hindi pa contento ang mga Español pagkatapos ng pagbitay, sobra kasi ang takot na dinanas nila sa paghimagsik. Pinapugot nila ang ulo ng mga bangkay. Subalit nabigo ang kanilang tangka na hamakin ang mga naghimagsik at takutin ang mga taga-Ilocos sapagkat itinanghal ng mga tao na bayani (caballeros, heros) sina Mateo at Ambaristo, at inalaala ang luwalhati (gloria) at kalayaang idinulot ng 14 araw ng himagsikan. Kahit nagwagi ang mga Español, sa mata ng mga taga-Ilocos, sila pa rin ang ‘contra-vida’ (malditos, villains).

     Pagkaraan ng 14 taon, hindi pa rin napawi ang parangal sa himagsikan ng mga tao saIlocos, kaya nagpundar ang pamahalaan sa Vigan nuong 1821 upang hamakin ang mga naghimagsik, purihin ang mga Español, at takutin ang mga tao na huwag nang maghimagsik uli. Inupahan nila ang isang mestizong pintor sa Vigan, si Esteban Pichay Villanueva , upang ilarawan ang pagkatalo nina Mateo at Ambaristo, 14 larawan ng sunud-sunod na pangyayari nuong himagsikan dahil sa basi.
Source: http://www.elaput.org/chrm1807.htm



1 comment: